Mga Kwento Ni Nanay Anita
November - December 2024
ni Anita Sasaki
Ang bilis ng araw, katatapos lang ng Undas. Ngayon, nararamdaman na ang lamig ng klima. Hindi na po autumn ang lamig, parang winter na po.
Talaga nga, time will not wait for you. Hindi tumitigil ang oras.
Ngayon, parating na ang season for gift-giving... Hindi lang po gift-giving, kundi LOVE GIVING po.
Naaalala ko po ang aking mga kasamahang "SENIORS." Hindi po ninyo alam, tatlong beses po ako sa loob ng isang linggo nasa Day Service. Rehabilitasyon ako tuwing Biyernes para makalakad po ako.
Pag nagkakausap po kami, marami sa mga kasamang pasyente ang puro mga anak o mga manugang ang kanilang topic. Mga may kaya sila sa buhay, pero malungkot po sila.
Meron nga akong naaalalang kwento:
Pag nawawala na ang mga kasama ko sa aming Day Service, nalulungkot ako dahil hindi ko na sila makikita. Alam ko na dinala na sila ng kanilang anak o kamag-anak sa Home for the Aged. Hindi na sila kayang alagaan ng kanilang anak dahil may trabaho sila at wala nang maiiwan sa kanila sa bahay. Kaya, masuwerte pa tayo na kahit hindi tayo mayaman, at sa ating mga bahay ay inaalagaan pa tayo, lalo na kung nasa Pinas tayo.
Ito po ang aking masasabi bilang isang paalala:
Ang mga awayan o pinagaawayan natin madalas, hindi po ba dahil sa PERA? Pera, at pera. Maging sa mga magkakaibigan, pamilya, mag-asawa, magkakatrabaho, magkakapatid, palaging pera ang simula ng pag-aawayan. Bakit? Dahil sa pera ang ginagamit ng ating kaaway o kalaban.
Don’t burden yourself with money. Money is not worth starting a quarrel over.
Pag tumagal yan, dadalhin mo yan the rest of your life, hanggang sa libingan mo. Those burdens—mga basura lang yan. Itapon mo na.
Remember: Money can be earned. So do not burden yourself with money.
Quarrels or awayan can be solved. Naayos lahat. Just be humble. Magpakumbaba ka.
Love ones, mga mahal sa buhay, hindi basta-basta napapalitan. Pero pag nawala na o lumisan na ang mahal mo sa buhay, wala na yan.
TGFAD (Thank God for Another Day)
Food for Thought:
You may gain the whole world, but the loss of your soul... is your greatest failure.
You may have everything, but if you lose your soul at the end for what? MONEY.
You are a failure.
Nasa iyo na ang lahat, pero nawala naman ang iyong kaluluwa... ay malaking pagkakamali sa buhay.
Think good. Think God. Always thank God. Be humble. Stop worrying. Be joyful.
Mga Kwento Ni Nanay Anita
September - October 2024
It is a blessing to share with you the following story:
Recently, I overheard a father and daughter in their last moments together at the airport. They had announced the departure.
Standing near the security gate, they hugged and the father said, 'I love you, and I wish you enough.'
The daughter replied, 'Dad, our life together has been more than enough. Your love is all I ever needed. I wish you enough, too, Dad.' They kissed and the daughter left.
The Father walked over to the window where I was seated. Standing there, I could see he wanted and needed to cry. I tried not to intrude on his privacy, but he welcomed me in by asking, 'Did you ever say good-bye to someone knowing it would be forever?'
'Yes, I have,' I replied. 'Forgive me for asking, but why is this a forever good-bye?'
'I am old, and she lives so far away. I have challenges ahead and the reality is - the next trip back will be for my funeral,' he said.
'When you were saying good-bye, I heard you say, 'I wish you enough.' May I ask what that means?'
He began to smile. 'That's a wish that has been handed down from other generations. My parents used to say it to everyone...'
He paused a moment and looked up as if trying to remember it in detail, and he smiled even more. 'When we said, 'I wish you enough,' we wanted the other person to have a life filled with just enough good things to sustain them.' Then turning toward me, he shared the following as if he were reciting it from memory.
I wish you enough sun to keep your attitude bright no matter how gray the day may appear.
I wish you enough rain to appreciate the sun even more.
I wish you enough happiness to keep your spirit alive and everlasting.
I wish you enough pain so that even the smallest of joys in life may appear bigger.
I wish you enough gain to satisfy your wanting.
I wish you enough loss to appreciate all that you possess.
I wish you enough hellos to get you through the final good-bye.
He then began to cry and walked away.
They say it takes a minute to find a special person, an hour to appreciate them, a day to love them; but then an entire life to forget them.
Only if you wish, send this to the people you will never forget. If you don't send it to anyone it may mean that you are in such a hurry that you have forgotten your friends.
*TAKE TIME TO LIVE....*
To all my Friends and Family - *I WISH YOU ENOUGH*
“HINDI MO KAILANGAN MAGING MAYAMAN O MATAAS NA PINAGARALAN UPANG MAKATULONG SA KAPWA MO PILIPINO”
Mga Kwento Ni Nanay Anita
July - August 2024
Ang bilis ng araw, katapusan na nang Hunyo! Nakakalahating taon na tayo.
Meron akong kuwento sa inyo tungkol sa usapan ng mag Lolo at Apo.
Tanong ni Apo sa Lolo: “Ano ang pinakamahalagang bagay sa ating buhay?”
Sagot si Lolo: “Hindi pera, o kaya katanyagan o kasikatan (fame or power), kundi ang ORAS (TIME).”
Naguluhan ang Apo sa sagot ni Lolo. Sunod na tanong ni Apo, “Bakit ORAS po?”
Ngumiti ang Lolo, “Sa kadahilanan ang oras ay katumbas nang kahit na anong bagay na pantay sa sukat. Na kapag meron tayong nasayang na oras, hindi na ito babalik. Ito ay mawawala na.”
Every moment we waste is gone forever. Every moment we use wisely is a Gift to ourselves and others.
Pinag-isipan ito ng Apo. Tanong niya, “Hindi ba tayo makakabili nang ORAS galing sa ating pera?”
“Hindi”, sagot ng Lolo. “Ang pera ay makakabili nang ano mang bagay sa mundo, ngunit hindi ang ORAS. Ano ang dahilan natin sa mundo kung mabibili natin ang ORAS ngunit wala tayong isip o karunungan para gamitin ito nang maayos at tama.”
Money can buy us things, but it cannot buy us more time. And even if it could, what would be the point of having all the time in the world if we did not have wisdom to use it well.
Tanong nang Apo: “Paano ko magagamit ang oras nang tama?”
Sagot nang Lolo: “Yan ang tanong nang lahat ng tao. Pero kung gamitin natin ang oras natin sa positibo, sa buong mundo, sa ating mga kapaligiran, tumulong tayo sa ating mga kapwa, matuto tayo, mag-aral ng mga ibang bagay, pagbutihan natin ang ating gawain (our Passion) at lagi nating tatandaan, lahat ng minuto ay isang regalo kaya gamitin natin ng maayos.”
Help others, learn new things, pursue your passions. Always remember every moment is a gift. Use it wisely.
Mula noon, ang Apo ay ginawa niyang mahalaga ang bawat segundo nang kanyang ORAS. Gamitin ito nang tama para ang mundo ay maging magandang lugar para mabuhay tayo ng mahaba at masaya at merong kahulugan na nabubuhay.
From that day on, the grandchild made a point to value every moment of his time, and to use it to make the world a better place. And he lived a long and happy life, filled with purpose and joy.
Mga Kwento Ni Nanay Anita
May - June 2024
Ang bilis nang araw. Katatapos lang ng Sakura or Cherry Blossoms. Malungkot na yong ibang puno at ang dami nang nalagas na bulaklak ng Sakura. Nag liliparan ang mga “petals” ng Cherry blossoms. Nagkalat na mga petals kaliwat kanan nang kalsada at sidewalks.
Meron nang KUWENTO si Nanay.
Sometime at around 7am, I rode a bus going to SM Fairview when I realized my wallet was missing. Hala naiwan ko ang aking wallet. Knowing that I'll be unable to pay for my fare, I immediately told the bus conductor to drop me at the nearest gas station. It was raining hard. “Para, Para“! Umuulan pa naman ng malakas.
"Sige, hayaan mo nalang muna," sabi nang conductor ng bus. (Alright, don't worry about it for now.) When he finished issuing tickets, he returned to sit beside me and asked: "Saan ba nawala? Uso talaga ang dukotan ngayon lalo na't mahirap kumita ng pera." (Where did you lose it? Robbery is rampant nowadays especially because it's hard to earn money.)
I was surprised when he handed over 50 pesos. "Ito oh. Pang backup mo. Sigurado zero ka n'yan. Balik mo nalang pag nagkita tayo." (Here. Use this for backup. I'm sure you have nothing left with you now. Return it to me when we see each other.)
When I refused to accept his offer, nahiya ako kasi, he said, "Kapag di mo tinanggap ito, sisingilin kita sa pamasahe. Magkikita pa tayo. Liit lang ng Maynila." (If you refuse to accept this, I will ask you to pay. We'll see each other again. Manila is small.)
Wow! That day, I realized that Filipinos are genuinely helpful, and that everyone can be a blessing to anyone. It's in our hands.
TGFAD (THANK GOD FOR ANOTHER DAY)
Food for Thought:
Be nice to everyone, always smile and appreciate things because it could all be gone tomorrow. No beauty shines brighter than that of a good heart, so train your mind to see the good in everything. Think Good. Think God. THANK GOD ALWAYS! BE HUMBLE. STOP WORRYING. BE JOYFUL.
TGFAD (THANK GOD FOR ANOTHER DAY)
BLESSED is the person who does not show bitterness over what is lost. But instead, shows gratitude over what is left. For even in the worst of times, we will find GOD if we seek HIM by faith. Never should our trials make us forget the abundant goodness of GOD's love. Think Good. Think God. THANK GOD ALWAYS! BE HUMBLE. STOP WORRYING. BE JOYFUL.
TGFAD (THANK GOD FOR ANOTHER DAY)
A QUOTE TO LIVE AND SHARE:
We make a living by what we get, but we make a life by what we give. Think Good. Think God. THANK GOD ALWAYS! BE HUMBLE. STOP WORRYING. BE JOYFUL.
Have a great day ahead. God Bless.
Tahanan Ni Nanay TNN
NANAY ANITA
CASTLE
“HINDI MO KAILANGAN MAGING MAYAMAN O MATAAS NA PINAGARALAN UPANG MAKATULONG SA KAPWA MO PILIPINO”
Kwento Ni Nanay Anita
March - April 2024
MGA KUWENTO NI NANAY
March na po! Ang bilis ng araw po! It’s International Month for Women.
MGA KUWENTO NI NANAY
Sabi nila ngayon, LAHAT nang anong kaya gawin nang mga lalake ay kaya din nang mga babae. Halimbawa ang elevator man, meron din elevator girl. Ang policeman, meron din policewoman, meron din Engineer na babae. Fireman, meron din Firewoman. Welder, construction workers kaya din nang babae.
Pero meron magagawa ang babae na HINDI kaya nang mga lalake. Alam po ba ninyo kung ano po? O, meron bang lalake na kaya MANGANAK?
Ayan po, ang MAGSILANG NANG BATA ANG HINDI KAYA NANG MGA LALAKE!
KAYA … HURRAY PARA SA MGA KABABAIHAN!
Meron po akong kuwento. Tungkol sa mag-asawa na pagkalipas nang pagsasama nilang 40 taon ay magdi-divorce. May mga 30 taon gulang na sila ng ikasal. Kaya hindi masasabi na mga batang nag-asawa. Nasa tamang edad na sila. Kaya nagulat ang abogado na kinausap nila.
BIRUIN mo after 40 taong pag sasama bilang mag-asawa ay magdi-divorce. Kaya ang ginawa nang abogado nila inimbitahan niya ang mag-asawa upang kumain sa restaurant. At doon unang order nila ay fried chicken. At pag serve nang chicken agad sinilbihan ng asawang lalake ang babae nang hita o ang “drumstick” na parti nang manok. At sabi nang asawa, ito ang paborito mong hita ng manok. Salamat sagot nang babae. At pagdating nang toasted bread, binigay nang asawang lalake ang sunog na parte ng toasted bread. Nakita nang abogado ito at talagang makikita mo ang PAGMAMAHAL nang mag asawa. Nagsalita yon lalake sa asawa at sabi niya “Alam mo ba na ang paborito kong parte nang manok ay ang drumsticks din? Pero sa sobrang PAGMAMAHAL ko sa iyo, kaya kong tiisin ang kumain nang iba. Pati sa toasted bread gusto ko rin ang sunog pero dahil sa pagmamahal ko sa iyo ipinagpapaubaya ko ang toasted bread na sunog sa iyo.
Kaya pag uwi nila, medyo pala isipan nang abogado ang kanilang sobrang PAGMAMAHALAN.
PAG UWI NILA, KANYA KANYA SILANG KUWARTO AT HALOS HINDI MAKATULOG ANG ASAWANG BABAE. KAYA TINAWAGAN NIYA ANG ASAWA. NGUNIT HINDI ITO SINAGOT NANG ASAWANG LALAKE.
KINABUKASAN kinatok nang kasambahay ang matandang babae. Pero hindi sumasagot ang matandang lalake. Pagpasok nila nang silip ay nakita nila na matandang lalake ay patay na sa kama hawak hawak ang kanyang telepono na hindi sinagot nang asawang babae.
At doon, nag LIGPIT ang asawang babae at nakita niya ang “Insurance” na merong note na nakasulat “Binili ko ito. Hindi gaano kalaki pero sigurado ako makikita mo ito wala na ako. Gamitin mo ang perang ito para patuloy na maaalagaan ka pag wala na ako.” Doon iyak ang asawang babae. Dahil hangang sa kamatayan MAHAL NA MAHAL SIYA NANG ASAWA.
“HINDI MO KAILANGAN MAGING MAYAMAN O MATAAS NA PINAGARALAN UPANG MAKATULONG SA KAPWA MO PILIPINO.”
Kwento Ni Nanay Anita
January-February 2024
KALUWALHATIAN AT SAKIT NG ISANG INA
Ang larawang ito ni Maria ay ang tunay na halimbawa ng kapakanakan ni Hesus kaya tayo ang buong mundo ay nagdiriwang dahil kaarawan ni Hesus. Eto ang kahuluhan ng PASKO o ang “Christmas Season.“
Sa darating na Mahal na Araw o ang “Lenten Season“ ay gugunitain natin ang paghihirap at Kamatayan ng Hesus sa krus.
Napakasakit ng buhay ni Inang Maria. Gayunpaman, nagtiwala siya sa Diyos na ang sakit na naramdaman niya bilang Ina ni Hesus ay para ikabubuti nating lahat.
Ibinigay niya ang sukdulang sakripisyo nang mapanood niya ang kanyang anak na umpay nang kanyang buhay para sa buong mundo.
Tulad ng ating buhay, hindi ito ang katapusan ng kuwento ni Maria. Ang kanyang anak, ang Mesiyas, Tagapagligtas ng mundo, ay bumangon mula sa libingan at nagtagumpay laban sa kamatayan.
Maraming dahilan ang buhay para magsaya, at maging masaya, magmalasakit sa isa't isa, magsakripisyo, magtiis sa mga pagsubok at magdulot ng mga positibong pagbabago. Ngunit magkakaroon lamang ng isang dahilan kung bakit napakasarap ang mabuhay. Ito ay dahil ang mga Pagpapala na ating natatanggap ay higit na mabuti kaysa sa mga pasanin na ating nararanasan. Magisip ng mabuti. Isipin mo ang Diyos. MAGPASALAMAT LAGI, MAGPAKUMBABA.
Food for Thought:
God balances our lives by giving us enough blessings to keep us happy, enough burdens to keep us humble and enough hardships to keep us strong. Just keep the faith! Think good. Think God. THANK GOD ALWAYS! BE HUMBLE AND STOP WORRYING.
“HINDI MO KAILANGAN MAGING MAYAMAN O MATAAS NA PINAG-ARALAN UPANG MAKATULONG SA KAPWA MO PILIPINO.”