Anita Sasaki

Nanay Anita Sasaki

EVERY GISING IS A BLESSING

MGA KUWENTO NI NANAY

 

November 1 is ALL SAINTS‘ DAY- our saints who lived their lives.

November 2 is ALL SOULS’ DAY- our deceased loved ones, families and friends.

 

All Saints' Day is a Roman Catholic Church holy day observed yearly on November 1. The day is devoted to the Church's saints, or all those who have achieved paradise. It is not to be confused with All Souls' Day, which is celebrated on November 2 and is devoted to those who have died but have not yet entered paradise.

 

Although millions, if not billions, of individuals are already saints, All Saints' Day observances tend to center on acknowledged saints - that is, those recognized in the Catholic Church's canon of saints.


Members of the Eastern Orthodox Church, as well as several protestant denominations, such as the Lutheran and Anglican churches, observe All Saints' Day.

 

In general, All Saints' Day is a Catholic Holy Day of Obligation, which means that all Catholics must attend Mass on that day unless they have a compelling reason not to, such as serious sickness.

 

Other nations' norms vary according to their respective bishops' conferences. The bishops of each conference have the right to change the regulations governing the day's responsibility.

 

All Saints' Day was formally started by Pope Boniface IV, who consecrated the Pantheon at Rome to the Virgin Mary and all the Martyrs on May 13 in 609 AD. Boniface IV also established All Souls' Day, which follows All Saints.

 

Many Protestants kept the holy day after the Protestant Reformation, albeit they rejected the necessity to pray for the dead. Instead, the day has been used to honor individuals who have died lately, generally within the last year, as well as to recall the examples of those who have lived holy lives.

 

The Catholic tradition, on the other hand, honors all people who have reached heaven, including both acknowledged and unrecognized saints.


Worldwide, holy day customs differ. In the United States, the day before is Halloween, which is traditionally commemorated by dressing up in costumes with death-related themes. Trick-or-treating is when children go door-to-door in costume, begging sweets from their neighbors. The festival has lost much of its religious significance.

 

Although virtually everyone celebrates Halloween for the sake of having fun, the following religious solemnity is not frequently observed or recognized by most Americans unless they are Catholic.

 

Traditional rituals in various countries, such as Portugal, Spain, and Mexico, include the presentation of the drama "Don Juan Tenorio" and the making of offerings to the deceased. All Saints' Day falls on the same day as "Dide los Innocentes" in Mexico, a day dedicated to deceased children.

 

Flowers are put on the graves of the deceased across much of Europe to remember the day. Candles are lit on graves in Eastern Europe instead of floral offerings.

 

Graves can be painted and restored by family members in some areas, such as the Philippines. Many of these customs confound the line between All Saints' and All Souls' Day.

__________________________________

 

Nobyembre na panahon nang undas. Panahon na ang ating pag pipintura, paglilinis sa puntod nang ating mga mahal sa buhay gaya ng ating mga PAMILYA na mayapa na. Kaya nga tinatawag natin na PISTA NANG MGA PATAY. Dahil ayan ang araw na tayo ay bumibisita sa ating mga namayapang mga pamilya at mahal sa buhay sa kani kanilang puntod.


Nagdadala tayo nang bulaklak at pinagsisindi natin sila nang kandila. At naging pagkikita natin sa ibang mga kamag-anak dahil halos magkakatabi lang ang mga libingan. Kaya nakapag kukumustahan tayo dahil ang karamihan ay galing pa sa Maynila o sa mga ibang lalawigan.

 

Kaya nga tinatawag natin na hindi lang pista nang patay kundi parang pista ng mga buhay at walang katapusang kumustahan at iba-ibang balitaan. Na paguwi sa bahay ay meron din silang “continuation“ nang mga kuwentuhan at sabay na kainan. Masasarap na mga kakanin sabay sa tsaa o kape, o softdrinks kaya.

Tuloy pa nang hapunan sa iba. Dahil sa sarap at walang patid na kuwentuhan.

 

Ito rin ang panahon nang kuwentuhan na kung papaano nila naalala ang mga mahal nila noong sila ay nabubuhay pa.

 

Kaya TAYO isipin natin kung ano ang gusto nilang maalala tungkol sa atin. Ito ay habang tayo ay nabubuhay maalala nila ang MABUTI O MASAMANG ALA-ALA NILA SA ATIN.

Reminder: IT IS NOT HOW LONG WE LIVE but HOW WE LIVED OUR LIVES WELL WITH OTHERS. That’s how they will remember us.

 

“HINDI MO KAILANGAN MAGING MAYAMAN O MATAAS NA PINAGARALAN UPANG MAKATULONG SA KAPWA MO PILIPINO” - Nanay Anita

Nanay Anita Sasaki

EVERY GISING IS A BLESSING

SEPTEMBER… Bye bye, Summer. OCTOBER… Hello, AUTUMN and the AUTUMN SEASON OF OUR LIVES.


Respect Your Parents In Their Old Age. MGA KUWENTO NI NANAY is here to give a reminder to “Honor thy father and mother.” Not if they are bad or good but, JUST HONOR YOUR FATHER AND MOTHER.

This is a beautiful story of the cycle of life.

 

An 80-year-old man was sitting on the sofa in his house along with his 45-year-old highly educated son. Suddenly a crow perched on their window.

 

The Father asked his Son, “What is this?” The Son replied “It is a crow”. After a few minutes, the Father asked his Son the 2nd time, “What is this?” The Son said “Father, I have just now told you “It’s a crow”. After a little while, the old Father again asked his Son the 3rd time, What is this?” At this time some expression of irritation was felt in the Son’s tone when he said to his Father with a rebuff. “It’s a crow, a crow”. A little after, the Father again asked his Son the 4th time, “What is this?”

 

This time the Son shouted at his Father, “Why do you keep asking me the same question again and again, although I have told you so many times ‘IT IS A CROW’. Are you not able to understand this?”


A little later the Father went to his room and came back with an old tattered diary, which he had maintained since his Son was born. On opening a page, he asked his Son to read that page. When the Son read it, the following words were written in the diary:

 

“Today, my little son aged three was sitting with me on the sofa, when a crow was sitting on the window. My son asked me 23 times what it was, and I replied to him all 23 times that it was a Crow. I hugged him lovingly each time he asked me the same question again and again for 23 times. I didn't feel irritated at all; instead, I felt a deep affection for my innocent child.

 

While the little child asked him 23 times “What is this”, the Father had felt no irritation in replying to the same question all 23 times and when today the Father asked his Son the same question just 4 times, the Son felt irritated and annoyed.

 

So… if your parents attain old age, do not repulse them or look at them as a burden, but speak to them a gracious word, be cool, obedient, humble and kind to them. Show thoughtfulness towards your parents. From today say this aloud, “I want to see my parents happy forever. They have cared for me ever since I was a little child. They have always showered their selfless love on me.”


“They crossed all mountains and valleys without seeing the storm and heat to make me a person presentable in the society today”. What more for a SINGLE PARENT. Now say a prayer to God, “I will serve my old parents in the BEST way. I will say all good and kind words to my dear parents, no matter how they behave.”

 

Thanks for spending your time reading this story. Maraming salamat po!

 

“HINDI MO KAILANGAN MAGING MAYAMAN O MATAAS NA PINAGARALAN UPANG MAKATULONG SA KAPWA MO PILIPINO” - Nanay Anita

 



Nanay Anita Sasaki

EVERY GISING IS A BLESSING

Mga KUWENTO Ni Nanay Anita… ito mag ku KUWENTO naman po si Nanay.

 

Meron akong gustong ibahagi sa inyo nitong buwan nang Hunyo 2023. Birth month ko po ang June. Maraming hindi ko maisip kung bakit at ano ang plano nang DIYOS. Sa mga dumating sa akin itong buwan na ito.

 

Isang linggo bago ang aking Kaarawan. Bigla-bigla nawalan nang picture ang telebisyon ko. Akala ko baka meron lang ako nakalabit sa remote. Pero dumating ang anak ko at hindi rin niya napasindi. Tumawag kami nang electrician para maayos niya. Pero kahit ano po ang gawin, wala rin pong lumabas na picture. Yon na check “NO POWER“ na po so binilang ko po 11 taon ko na pala nabili kaya naghahanap na po nang bagong kapalit. Nalungkot po ako dahil ito lamang ang libangan ko sa bahay. Hindi naman basta panoorin lang ang gamit nang TV sa akin dahil sa YouTube mga dasalin ang madalas ko pinapanood at para meron ako kasabay sa pagdarasal. Ok naman mura na TV ngayon pero hindi agad ako makalabas para bumili. Mag papabili ako sa anak ko.

 

So okay na po pero noong June 16, Friday, nasa rehabilitation ako biglang tumawag ang anak ko na sinabi meron nag positivo sa kanilang Group Home bigla ako nagpanik. Ibig sabihin hindi siya makakauwi sa akin bahay. Eh siya ang kasama ko sa gabi pagtulog ko. Kaagad pinatawagan ang aking “care manager” kung papaano ako.

 

Kinabukasan na po ang aking kaarawan. Ang problema ko hindi ako makakatulog nang wala pong kasama. Pero wala pong magagawa at hindi pwede umuwi yon anak ko sa akin. Ganoon din sa kanila at meron siyang tatlong mga bata. Kaya nalungkot ako at kinabukasan “undokai“ ng kambal na apo ko. Kaya ang plano po namin ay sa Skytree kami bukas mag cecelebrate nang aking kaarawan at doon na pakakainin ang mga bata at puro pagod sila sa “undokai“ pati mommy nila. Yon ang regalo nila sa akin. Ito ang plano.

 

Pero may planong iba ang DIYOS. First time kong matulog mag-isa sa loob nang 76 taon akong natao first time ko po. Basta sabi ko “Panginoon bahala na KAYO sa akin. Alam nyo po.” Hindi po ba palagi ko sinasabi, “If God is with you, fear nothing.” Hindi ko po namalayan nakatulog po ako nang mahimbing. Para akong pinatulog sa palad nang ating Ama ni hindi ako nagising, tuloy tuloy po ang aking tulog. At nagising ako alas 3 nang madaling araw. Oras po nang aking pananalangin. At doon ko nakita basta sa DIYOS lang tayo kumapit at maayos ang lahat.

 

Mas pa nga ako nagigising madalas pagkasama ko ang anak ko. Dahil pagmalakas humilik ginigising ko at hindi maganda ang paghihilik at tinitignan ko rin baka giniginaw siya. Ang ina talaga maski Lola na rin yon anak ninyo, andoon pa rin ang pagiging ina natin o yon tinatawag na “Mother’s instinct”. Kaya sa taon kung 76 ito ang ibinigay nang DIYOS. Parang sinabi NIYA na bakit noon pinanganak ka meron ka bang kasama? Hindi ba ang iyong angel sa lupa lang na binigay ko ang kasama mo ang iyong INA. Hindi importante ang mga yaman dito sa mundong ito basta’t “NARIRITO AKO BINABANTAYAN KITA WALA KANG AALALAHANIN. HUWAG KANG MATAKOT.” Yan lamang po mga salita o pangako nang DIYOS ang aking pinanghawakan.

 

TGFAD (THANK GOD FOR ANOTHER DAY)

Nice Reminder:

As we grow older, we begin to lose our strength. We may no longer run as fast as we used to. We may no longer dream as much as we please. But we have more time to sit back, reflect on and be grateful to the Lord for the countless moments that made our lives truly meaningful. Think Good. Think God. THANK GOD ALWAYS!

 

Have a great day ahead! God Bless.

Mga KUWENTO Ni Nanay TNN Tahanan Ni Nanay Anita Sasaki

 

 

“HINDI MO KAILANGAN MAGING MAYAMAN O MATAAS NA PINAGARALAN UPANG MAKATULONG SA KAPWA MO PILIPINO”


EVERY GISING IS A BLESSING

Kwento Ni Nanay Anita

Summer na po, sakay na po sa jeepney para mahangin ang biyahe natin! Aalis na po puno na … sakay, sakay sakay na! Liliparin ang ating mga buhok sa masarap na hangin.


Meron akong kuwento tungkol sa isang taong nag “mountain climbing “. Golden Week po ngayon dito sa Japan. Kaya marami ang kanya kanyang travels. Pasyalan dito at doon. Itong nag mountain climbing siyempre ready-ing ready po. So akyat na siya. Sa lahat nang madaanan niya at meron siyang makitang bato, pinupulot niya ang bato at inilalagay niya sa backpack niya. Ganoon palagi. Ngunit nang malayo at mataas na ang ang kanyang inaakyat, dahandahan bumabagal at hinihingal siya. Sa dahilan bumibigat ang kanyang dala. Halos di na siya makaakyat o makalakad. Hangang siya ay natutumba na at napapahinto. HIRAP NA HIRAP NA SIYA.


Itong kuwentong ito ay ihahalintulad ko sa ating buhay dito sa mundong ito. “It’s like our journey in this world. Our pilgrimage in this life.” Parang pag meron tayong mga galit, puot, takot, selos, problema, inggit dahilan sa away sa ating mga mahal sa buhay gaya nang pamilya, kaibigan, ka trabaho, suliranin sa hanapbuhay, negosyo at kung ano ano pa. Tayo ay nag kikimkim sa ating mga puso nang sama nang loob, galit. Mga BASURA ang ating nilalagay sa ating puso, dibdib. Kaya dapat lang ITAPON natin lahat nang mga ito sa ating puso. Kailangan natin magpatawad at humingi din nang kapatawaran sa ating mga NASAKTAN o NAKASAKIT SA ATIN. Una sa lahat, dapat tayo MAGPAKUMBABA. HUMILITY.


Meron din akong napapansin, bakit tayong mga babae, ang bibigat nang ating bitbit na bags. Ito sarili ko din karanasan. Noong nagtatrabaho pa ako, ang bigat nang bag ko. Nandoon ang mga notebooks na sinusulatan ko nang mga nakausap ko. Parang diary po. Meron make up, pencil case at baon pa sa work. Kaya naging dalawa pa ang bag ko at yong isa pang lunch box or mga chichiriya. Ang tanong BAKIT?


Kung minsan dapat naman natin buksan at linisin ang ating mga bags dahil halos marami ay mga basura. Tulad sa ating buhay, dapat natin alisin ang mga BASURA tulad nang galit, tampo, selos, inggit, takot (fear), kasakiman (greed), pera o mga bagay bagay sa mundong ito. Mga bagay na dapat itapon o alisin sa ating mga puso dahil ito ay pabigat sa ating buhay.


Palagi ko sinasabi na - Lahat nang mga bagay na nakikita o nahahawakan, ang mga bagay na ito ay nawawala. Ngunit ang hindi nakikita at nahahawakan ngunit nararamdaman, ayan po ang panghabangbuhay o pang walang hangan.“

“Whatever you touch or see are things that has an end but what you cannot see or touch that is the one that is eternal.”


Maiba naman po tayo nang usapan. Ngayon buwan nang Mayo ay buwan nang isang taong mahalaga sa ating lahat. Dahil walang tao na walang INA. LAHAT TAYO AY NAGING TAO DITO SA MUNDO DAHIL SA ATING MGA INA, INAY, NANAY, INANG, MAMA, MOMMY, MUDRA at iba ibang tawag po sa kanila. Sari-saring kwento meron sila. Merong masaya at malungkot. Merong nagbenta siya nang laman, upang mabuhay lang ang kaniyang mga anak. Lalo kung mag-isa lang niya tinataguyod ang kanyang mga supling. Kaya hindi dapat natin batikusin ang inang dumaan sa buhay na ganito.


Sabi nga nila sinungaling ang ina dahil pag siya ang nagluto ng pakain at sinabi niya, “Mga anak kain na kayo.” Pero tatawagin siya ng mga anak niya para sabayan sila. Ang sagot nang ina ay “Sige na busog pa ako.“ Pero andoon sa kusina umiinom nalang nang mainit na tubig. Dahil hindi sapat ang niluto niya. Basta nakakain ang mga anak niya ok na siya.


Meron din mga inang inaalagaan na nang anak dahil matanda na o kaya ay may sakit na. Minsan meron gusto ang ina, ngunit hindi pansin nang anak. Dahil na rin sa pagod sa trabaho at sa sariling pamilya. Kung gagawin man nang anak pero ang mga mata ay nangungusap at naka-sibangot.


Ang ina ay hindi na nakakapagsalita, o hindi na makakita. Masakit ito at nararamdaman ito nang matandang ina. Malakas ang damdamin nang ina at meron tayong kasabihan: HINDI MAN NAKIKITA NGUNIT NARARAMDAMAN ITO. Ang PUSO NG INA ay maraming nakatusok na palaraw o “swords“. Sabi nila ang puso nang INA kung ang anak ay 3 tatlo i multiply nang ✖ 2 dahil ang anak ay mag aasawa. Plus kung ilan ang mga magiging mga anak at mga apo. Dagdag pa ang asawa, biyenan at ang mga sariling mga kapatid o ang kabuuan nang pamilya.


Ayan po ang palaraw na naka tusok sa puso nang isang INA REGARDLESS OF COLOR, RACE AND RELIGION.


IALAY NATIN ANG BUWAN NG MAYO PARA SA MAHALAGANG TAO NANG ATING BUHAY - ANG ATING MGA INA. Kaya sa lahat nang mga INA SA BUONG MUNDO BINABATI NAMIN KAYONG LAHAT. DAKILA KAYO at MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO. HAPPY MOTHER’S DAY!

EVERY GISING IS A BLESSING

Kwento Ni Nanay Anita

March & April means it is SPRING! Cherry Blossom is here! Kuwentuhan po tayo sa MGA KUWENTO NI NANAY.


Pag nakikita ko ang mga bulaklak na sumisibol, hindi ko maiwasan na pag-usapan ang pinaka-maganda at pinaka-mahalagang tao sa ating buhay - ang ating INA. Meron po akong naala-alang kuwento tungkol sa isang INA.


Ang huling habilin nang INA.

Ang pagmamahal nang isang INA ay walang humpay at ito ay hanggang sa huling hibla nang kanyang hininga ay ang pagmamahal niya sa kanyang mga anak ang laging laman ng kanyang puso at isipan.


Last wish of the Mother.

Mother's love is unconditional and lasts for entirety of life. Get inspired with this beautiful story about a Mother's love for her child.


Meron isang anak na nakatanggap nang trabaho sa kabilang lalawigan. May layong mga ilang oras mula sa kanila. At napagkasunduan nilang mag ina na ilalagak niya ang ina sa paalagaan nang mga matatanda o ang tinatawag na “local nursing home.” 


Sa mga unang tatlong buwan, ang anak ay lumuluwas tuwing Sabado upang dalawin ang ina. Ngunit naging busy siya sa trabaho. At inalok na kung papasukin niya ang Sabado ay malaking karagdagan sa kanyang buwanang sahod. At ang Linguhan pagdalaw niya sa kanyang ina ay naging pabigat sa kanya. Kaya hindi na halos nadadalaw nang anak ang ina.


At isang araw ay nakatanggap ang anak nang tawag galing sa nursing home. Kaya ang anak ay dali daling lumuwas upang puntahan ang ina. At nabigla ang anak nang makita ang ina na malubha na. Habang siya ay abalang naghahanapbuhay para kumita. Tinabihan niya ang ina, hawak ang mga kamay na walang lakas. 


At ang tanging tanong sa ina ay, “Sabihin mo po kung ano ang gusto mo na gagawin ko.” Ang puso niya ay puno nang pagsisisi at lungkot sa nakitang kalagayan nang ina. At nakita niya na hindi na ito magtatagal. Mahinang mahina na.


Ngumiti ang ina. Ang sabi nang ina, “Anak, puwede bang kabitan mo ng mga electric fan ang nursing home at bilihan mo nang refrigerator sila. Kasi meron mga gabi na hindi ako makatulog at walang pagkain.“


Nagulat ang anak sa narinig na sinabi nang ina. Ang sagot nang anak, “Bakit Inay habang naririto ka ay wala ka pong reklamo sa kalagayan mo po dito. At ngayon hindi ka na magtatagal ay iyan po ang inyong sinasabi. Bakit po ito ang sinasabi nyo po ngayon?

Ngumiti lang ang ina. “Ako, kaya kong tiisin ang init, gutom at ang sakit. Ngunit ikaw, pag dumating na tumanda ka at dadalhin ka nang mga anak mo dito, ayaw kong mararanasan mo ang dinanas ko. Baka hindi mo kayanin.”  At doon humagulgol ang anak.  At humingi nang tawad.


Kaya kayong mga anak, mahalin ninyo ang inyong mga magulang. Arugain, mahalin ninyo sila. Ipadama ninyo ang inyong pagmamahal. At sabihin ninyong MAHAL NINYO SILA HANGANG NARIRINIG PA KAYO NILA.  KAYSA MALALAMAN NINYO ANG HALAGA NILA PAG WALA NA SILA.  AT HINDI NA KAYO MARIRINIG.


Love your parents and treat them with loving care. For you will only know their value when you see their empty chair.


Children: 

When our parents were there, we never cared.

When we wanted to take care of them, they aren’t there.

Before it’s too late. Love and care for them. 

EVERY GISING IS A BLESSING

Mga Kwento Ni Nanay Anita

Congratulations to Jeepney Press on its 20th Anniversary!!!

Ang bilis nang panahon, parang kailan lang na binisita ako sa office namin noon ni Dennis sa World on Demand. Twenty years na pala ang nakaraan!

Mga KUWENTO ni Nanay ay kuwento nang journeys ko sa Japan. Kung papaano po ako nakarating dito sa Land of the Rising Sun.


Hindi ko alam kung ano ang purpose ko pagpunta sa Japan. Unang-una, sa edad ko ay hindi na po ako bata. Lola na po ako nang 10 apo ngayon. Ang physical features ko ay hindi naman pang entertainer. Kaya ano kaya ang gagawin ko sa Japan?


Dahil yon mga panahon na pumunta ako ay usong uso ang mga entertainers, mga talento tinatawag. March 1995 po ako pumunta dito. Dinadayo po nila ako ng mga kababayan natin nang malaman nila na ang mama san sa CASTLE Resto Bar ay isang Pinay na matanda. At mga unang araw ko ay naging word of mouth, na  meron silang nadadaingan na ina sa CASTLE. Kung kaya yon mga Pilipina na may problema sa kanilang buhay dito bilang asawa at ina ay sa CASTLE restaurant sila pumupunta para mag unload. Mga asawang sinasaktan ng asawa o iniwan, mga sari saring suliranin sa buhay nila. Ganito ang naging buhay ko at dinadayo nila ang mga lutong bahay ko.


Dinarausan ng mga ibat ibang pagtitipon gaya nang birthdays, binyagan at pati kasalan. Dito din po tinatag ang samahan nang ating mga seafarers na kasama si Attorney Rey Regalado nang ating Labor Office nuon. Ayan po ang aking naging buhay dito sa bansang Hapon.

 

At ang isang naging trabaho ko ay kinuha ako nang pinakaunang Yochien (kindergarten school) po dito sa Hirai, at kaunaunahang English teacher po nang tatlong sections nang mga bata. Once a week, tuwing Biyernes po ay meron akong turo sa Koiwa Yochien nang English.


At ang isang nakamamangha po ay sinilang ako nang taong 1947. At ako po ay dumating dito 47 taon gulang na meron nang 10 mga apo. Nakita po ninyo ang “numerals“. At December 2014 ito po ang nakita kong dahilan bakit ako dinala sa bansang Hapon, dahil sa puso kong Nanay at Lola. Lahat po ay biyaya nang ating Panginoon.


Kahit na ngayon nakaupo na lang ako sa wheelchair, patuloy pa rin ang aking misyon na ginawad sa akin ng DIYOS. At hangang sa huling hibla nang aking hininga, iniaalay ko po nang buong puso sa DIYOS at sa kapwa ko ang regalong bigay nang Diyos sa akin. Ang regalo nang paglilingkod.


Sinabi ni Hesus, “Ano man ang ginawa mo sa kaliit-liiran mong kapatid ay ginawa mo sa Akin.“ At ganoon din po, “I will pass this world only once. So whatever good things and deeds that I can do in my humblest way, I don’t let them pass by without raising even a finger.”


“HINDI MO KAILANGAN MAGING MAYAMAN O MATAAS NA PINAGARALAN UPANG MAKATULONG SA KAPWA MO PILIPINO” - Nanay Anita