Jasmin Vasquez

Jasmin Vaquez

Pasensya 

“Konting konti na lang mauubos na ang pasensya ko sayo!!!” , wika ng marami kapag feeling nila malapit na mapuno ang isip at dibdib nila sa sobrang stress sa mga taong pasaway sa buhay nila.


     Sino nga bang tao hindi pa nakakaranas ng ganito?  Sigurado ako na halos karamihan sa atin ay naka encounter na ng ganito.  Lalo dito sa Japan maraming mga pasaway dito kahit ano pang lahi ay walang exemption.   Mula sa loob ng bahay hanggang sa labas.  Sa trabaho o maging sa mga churches pa yan walang pinipiling lugar ang pasaway na tao. Minsan nga maririnig natin sa iba na mas pinupulaan nila yung mga tao sa church madalas sinasabi nila “Bakit ganyan yang taong yan, taong simbahan pa naman?” Yung iba naman nangangatwiran pa na sasabihin, “mabuti na lang di ako palasimba,  kahit pasaway ako ok lang.”  Maling mali po mga kababayan. Anong kinalaman ng church sa masamang ugali mo?  Sarili mo bitbit mo.   Mga taong nasa church hindi ganoon kabilis magbago na agad agad pero unti unti naaayos kung magpaayos. Eh ikaw? 

     

     May eksena sa isang lugar na walang ginawa itong isang tao na ito na sisihin ng sisihin ang ibang tao, na kahit sarili na nyang mali ay hinahanapan pa ng dahilan para isisi sa iba.  Yung tipong ayaw tumanggap ng sariling pagkakamali nya.  Dito sinubok ang pasensya ng kasama nya, sa totoo lamang ay gigil na gigil na yung taong yun at sinarili na lamang nya sa halip pinagdasal na lang at pinaubaya sa Diyos kung ano ang nararapat para sa kanya.  Mabuti na lamang at hindi sya nagpatalo sa inis o sa galit para patulan ang taong iyon. 


     Alam nyo, I believe na kung ang lahat ng tao ay marunong magtimpi sa galit, o palaging mananatili ang pasensya sa puso at isip.  Marahil marami ang maliligtas na buhay.  Sapagkat marami na ring naging insidente dahilan pa nga minsan sa pagkitil sa buhay dahil lang napikon o hindi na napigilan ang bugso ng damdamin.   And also i do believe that prayer is the most powerful weapon against anybody else  na gustong mang down sa pagkatao mo.  Just imagine, kung hindi ba pinairal ng mga taong nagpadala sa galit at emosyon nila yung damdamin nila, eh di sana walang naalis sa trabaho,  eh di sana walang namatay, eh di sana walang nakulong, eh di sana masasaya pa ang mga pamilya nila at buo pa sila.  Kaya napakahalaga sa buhay ng tao yung may mahabang pasensya.  


“God says bless them-not after they have repented, but bless them even if they continue with that hurtful behavior. Why would God want you to bless someone who is treating you so badly? Blessing others is a powerful protection to keep you from becoming bitter, hateful, and bent on revenge.”

   “ESV Beloved, never avenge yourselves, but leave it to the wrath of God, for it is written, “Vengeance is mine, I will repay, says the Lord.”Romans 12:9. Do not take revenge, my dear friends, but leave room for God's wrath, for it is written: “It is mine to avenge; I will repay,” says the Lord.


     Kaya po pag meron kayong nakakainisan or di kayo nagustuhan sa mga ugali ng nakakasama nyo.  O di kaya talagang sukong suko ka na sa ugali nya.  The best thing to do is PRAY.  Ipaubaya mo kay Jesus ang lahat.  Alam nya kung paano hihipuin ang taong iyon para mabago sya at lahat kayo mapabuti ang buhay.  Although napakahirap talaga pigilan ang bugso ng damdamin, pero unti unti pag nakasanayan mo ng gawin yan,  marami ang magandang bagay na darating at mangyayari sa buhay nating lahat.   


   Sana maraming makabasa nito at kahit paano ay may matutunan tayo.  And kahit sa ganitong paraan lang may maligtas sa kapahamakan.  God bless po sa ating lahat. 

Jasmin Vaquez

The Wonderful Place of Kiso 

Mula sa Iida, Nagano-ken ay nalipat ako ng Kiso dahil dito na ako nakahanap ng bagong trabaho. Malungkot dahil nasa bundok ngunit nakaka relax din naman ang paligid pag iyong napagmasdan.  

 

Ang Kiso Valley ay isa sa mga nakatagong hiyas ng Nagano, na nasa pagitan ng Central Alps at Mt. Ontake.

Napapaligiran ng mga malapit na tatlong-libong metrong taluktok na ito, ang Kiso Valley ay nailalarawan sa pamamagitan ng matarik na mga dalisdis at bangin nito na natatakpan ng makakapal na kagubatan. Ang emerald greenery ng mga canopy at kristal na malinaw na tubig ay isang nakakapreskong tanawin, lalo na sa panahon ng mainit na tag-araw.

 

Sa loob ng maraming siglo, ang pagdaan sa Kiso ay isa sa mga pangunahing paraan ng paglalakbay sa pagitan ng Kyoto at Edo noong Panahon ng Edo. Tinatawag na Nakasendo, ang rutang ito ay umaabot mula sa Sanjo Ohashi bridge sa Kyoto hanggang sa Nihonbashi bridge sa Edo. Kasama ang 69 post towns, ang ilan sa mga ito ay na-preserve nila hanggang sa kasalukuyan. Dito, makikita ng mga bisita ang kanayunan ng Hapon bilang mga manlalakbay, mangangalakal, at samurai ay makikita ito daan-daang taon na ang nakalilipas.

 

Tangkilikin ang natural na kagandahan at mga makasaysayang lugar ng Kiso Valley na protektado ng matatarik na bundok nito. Narito ang ilan sa mga pinakamagandang lugar na pwedeng bisitahin sa Kiso ngayong tag-init! 

 

Mga bagay na maaari mong gawin habang ikaw ay nasa Kiso:

1. Maglakad sa Post Towns ng Kiso

2. Hike sa Nakasendo

3. Maligo sa kagubatan sa Akasawa at Aburagi Birin

4. Umakyat sa Mt. Ontake

5. Bisitahin ang maaliwalas na bangin ng Kiso

6. Chopstick at Soba-making Lessons

7. Pagtikim ng sake sa Kiso's Local Breweries

 

Kung mahilig ka maglakad lakad at gusto mong makita ang mga old houses and stores pwede ka pumunta ss Naraijuku. Kung dati sa tv mo lang nakikita yung mga bahay nung panahon ng mga samurai, dito makikita mo talaga.  

 

Kung hilig mo naman ay mag hike sa Nakasendo ka pumunta. Kung trip mo maligo sa gubat andyan ang Akasawa at Aburagi Birin. Kung gusting mountain climbing, ayan ang Mt. Ontake. Tulad ng Mts. Fuji, Haku, at Tateyama, ang Mt. Ontake ay isa sa mga pinaka-espirituwal na bundok sa Japan, na iginagalang ng mga ascetics ng bundok sa loob ng mahigit isang libong taon. Nakatayo ito sa taas na 3,067 metro sa hangganan ng Nagano at Gifu prefecture, na matayog sa mga kagubatan ng Kiso Valley. Maraming mga landas ang binuksan sa mga siglo ng mga monghe na umakyat sa bundok bilang isang paraan ng pagmumuni-muni at pagsamba. Maraming mga shrine, stone monument at iba pang relics ang makikita sa trail.

 

 

Ang Ontake Ropeway ay naglalakbay mula sa isang 1,570m na ​​punto hanggang sa isang 2,150m na ​​punto sa gilid ng bundok, na tinatanaw ang Kiso Valley at ang Central Japanese Alps mula sa itaas ng mga ulap. Sa tuktok ng ropeway ay isang viewing platform na may naglalarawang gabay sa nakapalibot na mga bundok, isang cafe, at isang dambana na napapalibutan ng mga alpine na bulaklak. Ilan lang yan sa mga listahan ng mga tourist spot dito. Hindi pa kasama dyan ang magandang emerald river ng Kiso Valley. Yan ang pinaka nagustuhan ko. Una sa lahat, libre hehehe. Ang tawag naman nila dito ay Atera River. Sobrang ganda at green ang tubig, sarap maligo kaya kung nais nyo mag relax punta kayo dito, di kayo magsisisi. Tagal ko na dito sa Nagano pero ngayon ko na lang nalaman na may ganito pala sa Kiso. Kaya kung low budget kayo, eto magandang puntahan.  

Jasmin Vasquez

Nawalan ka na ba ng cellphone dito sa Japan?

Kahapon lamang ako ay nagpunta sa isang store na bilihan ng mga gulay. May isa kasi akong nanay nanayan na nagpapahanap ng sayote, pagdating ko doon ay wala pa silang harvest na sayote dahil maaga pa raw hindi pa panahon ng anihan ng sayote. So nag message ako sa kanya habang nasa loob ng pamilihan para sabihin na wala.

 

Pero dahil andoon na rin lang ako. Nagtingin tingin na rin ako ng pwede kong mabili. Kumuha ako ng talong, paprika at kamatis, so pagdating ko doon sa counter nagbayad ako inilapag ko saglit ang aking cellphone habang inilalagay sa plastic ang aking mga pamili bago ako umalis napansin ko wala na ang cellphone ko. Ang bilis ng pangyayari. Sabi ko paano yun nangyari kakalapag ko lang.

 

Sinabi ko doon sa cashier napansin mo ba ang celpon ko? Hindi raw pati mga ibang staff tumulong sa akin sa paghahanap kahit may cctc sila sa loob di pala hagip pag nakatalikod ka sa cctv ang kita lang yung wallet ko na nasa ibabaw ng basket ngunit yung cellphone siguro ay di napansin dahil mababa ang lamesa at sobra dami ng tao, pinatawagan ko sa mga staff yung cellphone ko una hindi nagriring pinatay yata. So nireport na lang nila sa police yung pangyayari.

 

Dali dali akong pumunta sa aking nanaynayan at naki wifi ako gamit yung isang lumang cellphone ko para iopen yung find my iphone, lumabas doon na andoon lang malapit sa pamilihan ng gulay na pinuntahan ko, so sinundan ko yung mark kung saan tinuturo yung cellphone ko at ayun nga doon sya nakaturo sa parking lot ng Seiyu. Tinatry ko yung play sound ng device na hinahanap ko kaso baka dahil di na ako naka connect sa internet bumalik ako sa bahay ng nanay nanayan ko para mag ka wifi uli. Noong andoon na ako ni locate ko uli sa find my phone kung asan na, biglang gumalaw yung sa map napunta na sa loob ng Seiyu. Ginawa ko pindot ko ng pinindot yung play sound para mag alarm. Tapos pinatawagan ko din yung number ko sa ilang friend at sa nanay ko sabay sabay nilang tinawagan. Parang ang pag asa ko na lang eh yung sa police station kung sakali may update. So nag paalam muna ako sa aking nanay nanayan pero bago ako umalis pinatawagan ko yung i meet ko na friend para malaman nya na papunta na ako.

 

I prayed sabi ko Jesus help me to touch the heart of the person who took my cellphone to give it back to me or make a way. After that nagpunta na ako sa isang friend ko na naka sched na i meet ko. Pag dating ko doon after 10 minutes siguro, nag call sa friend ko yung nanay nanayan ko at yung real mother ko to inform na alam na nila nasaan ang phone ko. Sa halip na isauli nung kumuha nito doon sa pamilihang pinuntahan ko, eh doon nya iniwan sa customer service ng Seiyu supermarket, tama pala yung location sa find my phone na nasa Seiyu yung taong may hawak. Marahil hindi nya din kasi basta basta maoopen yun dahil naka lock. Pwede lang sagutin ang call pero bukod doon di nya yun magagamit. Kaya mahalagang may lock ang phone. Naisip man nyang pag interesa, ang mahalaga gumana yung dasal ko na ibalik nya sa akin. Kasi isang taon ko pa lang ito ginagamit 3yrs ko pa huhulugan (4yrs installment) sobrang mahal tapos mawawala lang ng ganon. Salamat talaga kay Lord Jesus napakabuti mo. Alam kong Ikaw ang kumilos para maibalik iyon.

 

Sa panahon ngayon sa hirap ng buhay kahit dito sa Japan, maraming tao na rin ang nagigipit kaya natutuksong gumawa ng di mabuti. Lalo na marami ng iba ibang lahi ang nandirito. Talagang doble ingat na talaga ang dapat mong gawin. Simula ngayon siguro pipilitin kong huwag na maglapag na gamit or ilagay ko na agad sa bag ko para maiwasan yung ganitong pangyayari. Hindi na talaga pwedeng maging kampante na sa Japan na secure ang gamit mo.

 

Sana po ay wag din po mangyari sa inyo yung ganito. Ingat po tayo palagi.