RD Fernandez

Christmas Away from Home

By RD Aquino


Christmas is the most important season for Filipino families. For many, it is a time of reunions and homecomings, bringing families together to celebrate amid the warmth of shared traditions and the embrace of loved ones. Many Filipinos plan their entire year around this season, especially those separated by distance. On one hand, the season mirrors the image of the holy family with the birth of Jesus Christ, which is why Filipinos long to be with their families at this time of the year. On the other hand, it echoes the universal message of peace, love, and joy shared with all of humanity—the season for giving and sharing.


I come from a typical Filipino family that places great importance on spending holidays at home. However, when I moved to Tokyo in 2019, it required a significant adjustment. It’s fun to walk around and enjoy the cold weather and feel the vibe of the beautiful city. But despite the breathtaking Christmas decorations and colorful illuminations that adorn the surroundings, the celebration in Japan seems somewhat superficial, given the relatively small Christian population.

 

Fortunately, I am blessed to have my sister, my brother-in-law, and my niece living in the nearby Saitama prefecture, providing me with a semblance of home that I so miss back in the Philippines. Yet, for many Filipinos in the diaspora, celebrating Christmas away from home introduces an entirely different and sometimes challenging dynamic.


Filipinos typically plan their homecoming during Christmas, but the COVID-19 pandemic presented a significant challenge. Many Filipinos had to abandon their travel plans due to concerns about the safety of their families and themselves. Despite this, many found solace within their host nations and communities. Some even discovered the joy in forming bonds with adoptive families, consisting of colleagues, friends, and new acquaintances.

 

But the truth remains that a significant number of overseas Filipinos, for some other reasons, spend their Christmas away from home, separated from their families and loved ones. So, how do we all cope?

Embracing the holiday season far from the familiar comforts of home is a journey filled with mixed emotions, usually a blend of anxiety, nostalgia, and the excitement of the unfamiliar. As the festive spirit envelops the air, we find ourselves navigating the landscape of a Christmas away from home—a time that unfolds with its unique blend of challenges, self-discoveries, and heartwarming moments.

 

I have met many Filipinos during my five years in Japan, and I have observed that each person celebrates Christmas in unique ways. Some find companionship with friends and others who 'adopt' them for the holidays, while others seek solace in solitude. Students often gather to recreate the warm and lively Christmas spirit of their homes. Other groups may embark on travels outside the city, and others express their joy by singing heartily in karaoke bars.

 

One crucial lesson I've learned is the importance of creating a 'family' abroad. Having a support system or a community where you feel safe, welcomed, and share common values and interests is vital. The people you meet can become your family, and although their presence and the shared moments may not completely fill that emptiness we feel, they provide some kind of warmth and comfort.

 

As for me, I discovered new 'families' among my Filipino colleagues in the JET programme and friends I made while advocating for change in my country in the last elections. I also found a larger family through volunteering for activities within the Filipino community in Japan and participating in small groups outside of work.

 

Building meaningful connections with people, discovering new communities, or even connecting with nature extends beyond our conventional idea of Christmas. But these experiences, we encounter during this season, carry the same spirit of kindness, generosity, and compassion, even if one is not surrounded by their immediate family or loved ones.

 

Finally, I've come to realize that Christmas away from home is still Christmas but in a new home. Sometimes, it’s not the place but the very people we spend the season with that truly matter. The warm embraces, bright smiles, delightful company, good food, and meaningful moments that make our Christmas the happiest season.

 

Even as we remain separated from our families, we carry them in our hearts—a constant reminder that each passing day brings us closer to our next homecoming. Reflecting on the sacrifices we endure, we close our eyes in prayer, hopeful for the day when we can reunite and share in the joy of the happiest of holidays together.

 

Now, whether you find solace in quiet moments of reflection or revel in the laughter and warmth of family, friends, and loved ones, my wish is that this season warms your heart and fills you with renewed hope for the New Year. Wishing you a holiday season filled with love, joy, and the company of those who make your heart feel at home. Happy holidays! #


Summer in Japan: 

Photos and Reflections

By RD Aquino


Japan’s summer is harsher than I thought. It is both extra hot and humid, especially in metropolitan areas like Tokyo, Osaka, Nagoya, and even Kyoto. For someone who grew up in a tropical country, it shouldn’t be much of an issue but only after spending more time in Japan will you come to understand why people just try to do everything to search for the perfect escape (whether it be here or abroad) during this season.

The scorching summer in Japan typically spans from June through August, though the sweltering temperatures often persist well into early or mid-October, at least from what I’ve experienced in recent years. The humidity level starts to elevate in June where an “extra” season called 梅雨 “tsuyu” (or baiu) comes as a prelude to the scorching heat of the summer.

 

Tsuyu, a brief rainy season that typically occurs between June and July. It is also the same season when typhoons frequent the Japanese archipelago. However, this season also brings forth the vibrant colors of early summer as beautiful hydrangeas bloom across the country, adorning the streets and roadsides with their vivid blue, purple, pink, and white hues. These blooms are a captivating sight during this time of the year, but it's wise to keep your umbrellas at the ready for the occasional showers throughout the day, and as soon as Tsuyu comes to an end, brace yourself for the peak of summer's heat.


Both locals and tourists spend most of their summer holidays and trips reconnecting with nature. So, the more popular destinations are the beaches or the mountains where people can either swim and freshen up in the water, go for a hike, or just chill under the trees and breathe fresh air. Other families and groups of friends go on camping trips and enjoy barbecues. For most of my stay in Japan, I experienced most of these activities until COVID happened. Many summer activities have been canceled in recent years due to the pandemic. So, as soon as government restrictions and warnings have gradually been lifted earlier in the year, everything started to go back to normal.

 

This year welcomed the return of both the small and big summer celebrations and festivals especially the much-anticipated fireworks displays locally known as 花火 “hanabi”. While fireworks are more popular in my country during the Christmas and New Year festivities, Japan has a long history of fireworks (originally to drive off evil spirits) which have been more integral in their summer festivities. Many prefectures and cities mount grand summer fireworks displays mainly in July and August that draws hundreds to thousands of crowds. I’ve been to some of these events and all I can say is they were, indeed, huge!


RD Fernandez

Jeepney Press Diva Series

Yolanda Tasico: 

Ang kauna-unahang 

Filipino

Enka Singer 

sa Japan

Bilang pahayagang kumakatawan sa mga Pinoy dito sa Japan, ilulunsad ng Jeepney Press ang isang serye ng iba’t ibang kuwento ng pakikipagsapalaran at tagumpay ng mga Pilipino. Una na rito ang Diva Series na magtatampok sa kuwentong buhay ng ilan sa mga Pilipinang mang-aawit na lumikha ng kani-kanilang mga pangalan sa lokal na industriya ng pagtatanghal dito sa Japan at ibinabahagi ang kanilang mga talento hindi lamang sa mga Pinoy kundi maging sa lokal na komunidad ng Japan.   

 

           Unahin natin ang kuwento ng isa sa mga pinaka-kilalang Pinay diva dito sa Japan. Siya ang tinaguriang kauna-unahang Filipino enka (演歌) singer sa Japan, ang tubong Tiaong, Quezon na si Yolanda Tasico.

 

           Laging nakangiti, masayahin, at maasikaso sa mga panauhin. ‘Yan ang una kong napansin sa aking panonood ng isang charity show tampok si Yolanda Tasico kamakailan sa isang Pinoy restobar sa Kinshicho, Sumida, Tokyo. Suot ang kanyang signature boushi (sumbrero) at blazer kasama na ang kanyang paboritong kulay na pula, masiglang nagtanghal ang ating Pinay diva.

Mula Quezon patungong Miyagi

 

           Nang aking tanungin kung paano nagsimula ang kanyang karera sa musika, kung tutuusin, hindi naman daw siya galing sa pamilya ng mga musikero dahil hindi naman kumakanta ang kanyang mga magulang. Kuwento pa niya, ang kanyang nakatatandang kapatid na babae ang siyang unang nasabak sa kantahan. Noong una, sumasabit-sabit lamang siya sa kanyang ate hanggang sa naging suki na rin siya ng mga patimpalak sa barangay at piyesta sa mga bayan-bayan sa kanilang probinsiya ng Quezon. Ayon kay Yolanda, inspirasyon niya noon ang musika nina Pilita Corrales, Imelda Papin, Dulce at iba pang mga OPM icons. Narating din niya ang entablado ng “Ang Bagong Kampyeon” ngunit hindi rin siya pinalad dito. Gayunpaman, hindi siya sumuko at hindi siya tumigil sa pagkanta. Nabanggit din niyang pangarap niyang maging teacher noon ngunit dahil na rin sa hirap ng buhay, hindi niya ito naipagpatuloy. At kalaunan nga, dahil napamahal na siya sa pagkanta, naisip niyang baka ito na rin ang magdala sa kanya, sa kanyang sariling butuin.


Marami ang nakakikilala kay Yolanda sa Japan dahil sa madalas niyang pagtatanghal sa mga concerts, gigs, at shows gayun din sa mga aktibidad ng Filipino community dito katulad ng Philippine Expo at ng Philippine Festival. Maliban dito, itinampok na rin ang kanyang kuwentong buhay sa lokal na telebisyon sa Japan. Kung ating titignan, masasabing hindi na kaiba ang dahilan ng desisyon ni Yolandang mangibang bansa. Katulad ng maraming Filipino, lumipad siya patungong Japan bitbit ang pangarap na maiahon ang pamilya sa kahirapan. Pang-anim sa walong magkakapatid, nagsakripisyo si Yolanda upang matustusan ang pangangailangan ng mga nakababatang kapatid at makatulong na rin sa mga gastusin ng isang malaking pamilya.

          

           Dekada ’80 nang unang makarating si Yolanda sa Japan. Nagsimula siya bilang isang performer sa Naruko Onsen sa Miyagi Prefecture. Hindi biro ang kanyang pagsisimula dahil sa labis na pangungulila sa pamilya at dahil na rin sa hirap pa siyang magsalita ng wikang Hapon noon. Ayon sa kanya, musika ang naging daan upang maibsan ang labis na kalungkutan at ang hirap na kanyang pinagdaanan. Sa tulong na rin ng ilang mga kababayan at mga Hapon, unti-unti siyang natuto at nasanay sa buhay sa Japan. Sa Miyagi, nagpatuloy siyang magtanghal ng iba’t ibang uri ng musika kabilang na ang mga pop hits, ballad, jazz, soul, at ang tradisyunal na enka ng Japan.

 

Pag-awit ng Enka (演歌)

 

Nagpabalik-balik sa Japan si Yolanda sa loob ng anim na taon. At taong 1998 nang opisyal siyang inilunsad bilang isang enka singer. Ito’y matapos niyang makilala sa isang karaoke competition si ginoong Kinugawa Taro na isa ring kilalang enka singer. Ayon kay Yolanda, sinabihan siya ni ginoong Kinugawa na mas naaangkop ang boses at puso niya sa enka. Kaya naman siya ang naging mentor nito pagdating sa pag-awit at pagtatanghal ng tradisyunal na uri ng musika. Itinuro ni ginoong Kinugawa ang lahat ng dapat matutunan sa pag-awit ng enka hindi lamang sa musical style at technique nito kundi maging sa pag-aaral ng mga liriko at pagsasapuso ng bawat awitin gamit ang wikang Hapons. Simula noon, niyakap ni Yolanda ang tradisyunal na uri ng awitin at pag-awit ng enka. Kaya naman maliban sa mga nakagisnang uri ng musika sa Pilipinas, naging tatak na ni Yolanda ang Japanese enka music.

 

Ano nga ba ang enka? Ang enka ay isang uri ng musika sa Japan na nagsimula bilang isang “speech song” noong Meiji period (1868~1912) dahil ipinagbawal ang anumang political speech sa nasabing panahon. Kayat dinaan ng mga Hapon sa pag-awit ang kanilang mga hinanaing, reklamo, at sentimiyentong pulitikal. Matapos ang Meiji period, naging bihira na ang paggamit ng enka sa usaping pulitikal at mas naging popular ito sa pagpapahayag ng damdamin katulad ng kalungkutan, kabiguan, kasiyahan, o ng pag-ibig.

 

           Mula Miyagi, dinala ng pag-awit at pagtatanghal ang buhay at karera ni Yolanda sa iba’t ibang lalawigan ng Japan katulad ng Tochigi, Kanagawa, at Yamagata. Sa ngayon, siya ay labindalawang taon nang naka-base sa Chiba.

 

Pag-ibig at pansamantalang pagtigil

 

Pansamantalang natigil ang karera ni Yolanda nang makilala niya ang kanyang dating asawa. Kuwento niya, na love-at-first-sight siya kaya naman nagkapalitan ng numero, lumabas, at kalaunan, ay nagdesisyon na ring magpakasal. Nabiyayaan sila ng isang anak. Sa pagkakataong iyon, pinili ni Yolanda na maging maybahay para bigyan ng panahon ang kanyang pamilya. Ayon sa kanya, nangarap siyang magkaroon ng simpleng buhay kasama ang kanyang asawa at anak. Ngunit matapos ang limang taong pagsasama, nagdesisyon silang maghiwalay dahil na rin sa bisyo at hindi pagkakaunawaan.

 

Hindi naging madali ang pakikipaghiwalay ni Yolanda dahil na rin sa kanyang anak. Inuwi niya ito sa Pilipinas ngunit dahil sa kanyang trabaho, sa huli, matapos ang masinsinang pakikipag-usap, ibinigay niya ang pangangalaga ng kanyang anak sa pamilya ng kanyang dating asawa. Bagamat masakit ang bagahing ito ng kanyang buhay, nagpatuloy siya sa paggabay sa kanyang anak bilang isang ina. Sa ngayon ay isa nang matagumpay na negosyante ang kanyang anak.

 

Ang Kuwento ng Maraming Sumbrero

 

           Kung hindi nakasuot ng tradisyunal na kimono sa kanyang pag-awit ng enka, madalas makita si Yolanda na nakasuot ng blazer at sombrero kapag nagtatanghal sa entablado. Natanong ko nga kung ano ang kuwento sa likod ng kanyang “look”. Ang sabi niya, naisipan lamang daw niyang lumikha ng isang alternative look matapos ang kanyang debut para naman umangkop din sa iba pang musical genre na kanyang kinakanta. Dagdag pa niya, bahagi rin ito ng pag-reinvent niya sa kanyang sarili bagamat enka ang kanyang pangunahing inaawit sa mga gigs at concerts. Natanong ko rin kung ilang sombrero ang meron siya ngayon. Sabi niya, natapon na raw niya ang iba pero nasa mahigit 50 sumbrero pa rin ang ginagamit niya sa kanyang mga shows. At ang paborito niyang kulay? Pula, na simbulo ng determinasyon, lakas, tapang, at pagmamahal.

 

           Anu-ano pa ba ang pinagkakaabalahan ng isang singer? Kapag wala sa entablado si Yolanda, abala siya bilang isang caregiver. Malapit ang puso niya sa mga nakatatanda. Kaya naman nadadala niya ang pag-awit hanggang sa mga inaalagaan niyang pasyente sa kanyang ibang trabaho. Maliban dito, aktibo rin si Yolanda sa mga kawang-gawa bilang isang volunteer. Aktibo siyang nagtatanghal sa iba’t ibang mga centers for the elderly na bahagi na rin ng kanyang volunteer work. Bukod pa rito, bahagi rin siya ng Sunrise Care Volunteer International na tumutulong sa mga mahihirap na pamayanan sa Pilipinas at ng Global Peace Foundation Japan na nagbigay daan upang makatulong siya sa lugar kung saan siya nagsimula bilang isang performer, ang Miyagi, na nasalanta ng lindol at tsunami noong 2011.

 

 

“Arigato”

 

           Matapos ang tatlong mini albums at apat na singles ay nagpapatuloy ang makulay na karera ng isang Pinay enka diva sa Japan. Ayon kay Yolanda, binabalak niyang muling i-release ang kanyang mga naunang recordings sa CD at digital formats. Kasabay nito ay ang kanyang pagbabalik tanaw sa matagal na panahong inilagi niya sa Japan bilang isang performer. At kung may isang awiting magbubuod ng lahat ng ito, wala nang iba kundi ang mismong komposisyon ni Yolanda, ang awiting “Arigato” (Salamat).

 

Kasama ang kaibigang si Martin Ilagan na siyang lumikha ng musika, isinulat ni Yolanda ang awitin bilang pagkilala at pasasalamat sa bansang umampon sa kanya at nagbigay sa kanya ng pagkatataon. Ayon pa sa kanya, ito rin ay alay niya sa mga taong naging bahagi ng kanyang paglalakbay: ang kanyang pamilya, mga kaibigan, mga tagahanga, at bawat taong naging tulay para makamit niya ang kanyang mga pangarap sa buhay.

 

Sambit pa ni Yolanda, umaasa siyang makalikha ng mas marami pang musika at makapag-iwan ng mga awiting tatatak sa kanyang mga tagahanga at sa lahat ng taong nagmamahal, sumusuporta, at nagtitiwala sa kanya.

 

 

“Yume wo akiramenaide”

 

           Sa edad na 57, patuloy na nangangarap ang isang Yolanda Tasico. Matapos tulungan ang kanyang pamilya sa Pilipinas at gabayan ang kanyang anak, hindi natatapos ang kanyang pagsusumikap sa buhay. Kamakailan lamang ay inilunsad niya ang kanyang sariling kompanya na Tasico Music Office and Entertainment. Bagamat kasisimula pa lamang nito, layunin ni Yolanda na makatulong sa mga mang-aawit at musikero sa Japan. Mula sa pagiging singer-performer at composer, binabalak na rin ni Yolanda na maging isang producer, manager, at mentor para sa mga nagnanais ilunsad ang kanilang karera sa musika. Ayon sa kanya, nais niyang ibalik ang mga tulong at biyayang natanggap niya sa halos 30 taon niyang karera dito sa Japan.

 

Sa huli, tinanong ko si Yolanda kung ano ang kanyang payo sa mga nangangarap ding maging singers o performers. Sinagot niya ako sa wikang Hapon, 「夢をあきらめないで」“Yume wo akiramenaide.” Ibig sabihin, huwag mong bibitawan ang iyong pangarap o huwag kang tumigil mangarap. Simple ngunit makapangyarihan. Dahil minsan, napanghihinaan tayo ng loob at nawawalan ng pag-asa. Ngunit katulad ng kuwento ng ating Pinay enka diva, hindi siya tumigil at nagpapatuloy pa rin siya sa kabila ng mga hamon ng buhay.

 

Sa ilang beses kong pakikipag-usap kay Yolanda, masasabi kong taglay niya ang tapang at husay ng isang Pilipina. Ngunit mas naging lutang sa akin ang kanyang pagiging positibo sa buhay at ang kanyang kababaang-loob. Diva na walang “diva attitude.” ‘Yan si Yolanda Tasico. Ang kauna-unahang Filipino enka singer sa Japan. Isang idolo, isang inspirasyon. 

© RD Fernandez 2023

Photo credits:  Kevin Jeffrey Dorongon