|

J-WAY
by: Joseph S. de Leon
Like many of us who went to Japan, we can say that it's not easy coming here and leave our loved ones in the Philippines. Bakit nga ba tayo pumunta dito? Ano ba ang dahilan natin at nagawa nating tiisin ang iwanan ang ating inang bayan at mga mahal sa buhay? Ano bang kapalaran ang naghihintay sa atin dito sa bansang Hapon? My journey in Japan is a story full of interesting episodes. Let me tell you all about them here in "J - WAY."
I first came here last May 2005 as one of the 21 teachers who represented the Philippines for the 2005 Japan-Asean Youth Friendship Program for the 21st Century for Education Sector. Di ko akalain na yon na nga ang magbubukas ng opportunity sa akin para magkaroon ng trabaho dito as an Assistant Language Teacher (ALT). Pagdating namin sa Japan ay sobrang saya namin. Sabi namin parang may aircon ang buong Japan... malamig kasi at first time namin.
Isang gabi during our get together party with our Japanese Teachers counterparts, may isang Japanese English Teacher ang nag-invite sa amin na magturo sa Japan as an Assistant Language Teacher (ALT). Sabi ng mga kasama ko, imposible raw na makapunta kami kasi the following day ay may seminar pa kami. Sabi ko, "Opportunity knocks but once, God will do His way for those who trust in Him. I want to take the challenge to set an appointment tomorrow and I want to have an interview." Eksakto, na cancel ang schedule namin the following day. Nagpasalamat ako sa itaas.
Kinabukasan, at 6:00 AM pa lang ay umalis na ako sa Training Center. Dala dala ko ang passport ko, 8,000 yen at ang address ng company. Sinimulan ko ang pagtanong sa mga tao sa train station gamit ang handy English-Japanese Dictionary ko. Maya-maya pa ay nakasakay na ako sa train mag-isa for the first time. Hindi ako marunong mag-Japanese that time. Akala ko malapit lang ang lugar (Tokyo to Mito, Ibaraki). Pinaglipat-lipat pa ako ng train. Nawala ako sa daan. At 1:30 PM ay dumating ako sa Mito train station. Humingi ako ng tulong sa train station officials na tawagin ang director ng company na pupuntahan ko at pakisabi na nasa train station na ako. Kinausap ako ng director at binigyan ako ng verbal instruction kung saan dadaan. At 2:00 PM ay dumating na ako sa office. Mayroon doon mga Americans and Australians waiting for their turn to be interviewed. Noong turn ko na mag-interview, isa sa mga tanong ay kung paano ko makuha ang attention ng mga bata na mag-aral ng English. Sabi ko I will use games sa aking pagturo. Ang mga bata kasi sa elementary ay gustong-gusto pa maglaro kaya maging fun para sa kanila kung may mga laro sa loob ng klase in line sa kanilang lessons. After the interview, sabi ng interviewer, " You are hired. Congratulations!" Ang saya ko pero sabi ko I still have to go back to the Philippines after my seminar before I can teach. Sabi nila I have to send my credentials to them para sa pag-apply ng Certificate of Eligibilty para mabigyan ako ng Instructor Visa. Gabi na nang lumabas ako. This time, di ko alam kung paano bumalik sa Tokyo.
Paglabas ko ay madilim na at may halong kaba naman ako kasi may meeting ako with the JICA coordinators sa gabing iyon. May dalawang oras na lang ako natitira bago ang meeting ko sa JICA. Samantala it took me 6 hours to come to Mito City from Tokyo dahil sa hindi ko alam kung anong train ang sasakyan ko. It was my second week pa lang sa Japan at zero knowledge ako sa pag-travel dito. Ngunit sa pagiging adventurous at positive ko, nagawa ko ang pagtravel na iyon.
Pagdating ko sa Mito City train station, habang ako ay kukuha sana ng ticket, may nagtanong sa akin kung paano kumuha ng ticket papuntang Tokyo. English speaking siya from India. Bago din siya sa Japan at nagto-tour lang siya. Sabi ko naman ako rin ay first time. Di ko rin alam, at ako rin ay hindi marunong bumalik sa Tokyo. Sa totoo lang ay kailangan ko makarating sa Tokyo within 2 hours but seems impossible kasi I will be taking the local train. Sabi ng lalaking Indian (on his early 50s) kung puwede sabay na kami sa Bullet Train at siya na ang mag treat sa akin papuntang Tokyo. Gusto niya raw magkaroon ng bagong kaibigan mula sa Philippines (after knowing I am a Filipino). Kabisado niya raw ang Tokyo at alam niya ang JICA Office kasi dati raw siya nag seminar doon. Sabi ko siya ang angel na pinadala ni Lord. After 45 minutes ay nasa Tokyo na kami. Nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam after niya ako hinatid sa JICA office. Nagbigay ako ng native key chain sa kanya na galing sa Pilipinas.
Pagpasok ko sa receiving area ng JICA, nandoon lahat ang mga kasama kong teachers. Parang worried sila lahat at nagtanong, " Oh Joseph, bakit whole day kang nawala. May nagsabi na nag-aapply ka ng work? What happened? " tanong ng mga kasama ko. "I was hired!" sagot ko sa kanila. Ang saya nila at sana raw sumama din sila.
Sa ating buhay, huwag natin hintayin na lalapitan tayo ng gracia. Kailangan harapin natin ang mga challenges ng buong tapang at tiwala sa sarili. Ang buhay ay isang journey, kailangan huwag huminto sa paghanap ng tamang daan upang marating natin ang nais mapuntahan.
(Ang Unang araw ng work ko as an ALT) Itutuloy sa next issue... Abangan!
-----------------------------
Noong naka-raang issue ay naikuwento ko sa inyo kung paano ako nag-apply bilang ALT dito sa Japan at natapos ang kuwento ko tungkol sa aking pagbalik sa JICA Office na may balitang natanggap ako bilang ALT dito sa Japan noong May 2005 during our JICA Seminar sa Tokyo.
June 2, 2005 ay end na ng seminar namin... Lahat nag- empake, nag-iyakan ang aming mga new friends. Ang mga kasama ko ay nalulungkot kasi baka di na sila makabalik sa Japan kasi nga mahal ang pamasahe. Samantala ako naman ay di masyadong nalulungkot kasi schedule ko bumalik sa darating na August na yon. So after two months sa Pinas, ay puwede na akong bumalik sa Japan para magturo. Hihintayin ko na lang ang Certificate of Eligibility ko.
After two months nga sa Zamboanga City, and after communicating with the employer through emails, ay dumating na ang Certificate of Eligibility para makakuha ng Instructor Visa. Nag-loan na naman ako para may pamasahe ako sa pagkuha ng aking VISA. Pagdating ko sa Manila, dumeretso agad ako sa Japan Embassy sa Roxas Boulevard. Pagkatapos kong pumila at mag-submit ang application ko with my Certificate of Eligibility, ay binigyan ako ng claim and verification slip at babalik ako after 5 days. Tumuloy ako sa OWWA Hostel doon sa Pasig City. Mura doon kasi P150/night lang at kasya sa budget ko. Malaking kuarto na bedspacer yon doon. Sampung tao sa loob at halos lahat ay mga Seaman. After 5 days ay bumalik na ako sa Japan Embassy at nakuha ko ang aking One (1) year Instructor Visa. That was August 15 na at kailangan nasa Japan na ako by August 22, 2005. Wala akong pera pampamasahe papuntang Japan. Bago ako babalik sa Zamboanga para mag file ng indefinite leave sa work ko, kailangan bibili na ako ng ticket worth P18,000 (one way) to Japan. Tumawag ako sa kung sinu-sino doon sa Zamboanga pero wala talaga puwede magpahiram. Pumunta ako sa internet cafe para mag-check ng latest instruction ng Employer ko sa Japan. Kailangan daw magdala ako ng 350,000 Yen or P150,000 para pambayad sa apartment ko at pagkain etc. for my first month stay sa Japan. Ang unang suweldo ko raw is September 20, 2005 pa . Tinanong din ako kung marunong ako magdrive ng car kasi kailangan daw yon sa working place ko. Kung hindi raw marunong magdrive, ibibigay nila ang position ko sa ibang applicant at maghintay na lang ako ng ibang bakante kung mayron. Sabi ko kailangan positive talaga ako..Kaya ko to....kakayanin ko to. Nag email ako na mayroon akong ganong pera at marunong din akong mag-drive (samantala kahit ni manibela di pa nga ako nakahawak that time.) Sabi ko Diyos na ang mag guide sa akin.
Pagtingin ko sa inbox ko, may nag mail sa akin mula sa Pag-ibig Fund doon sa Zamboanga City, reminding me kung gusto ko magloan sa kanila. Kilala ko siya at naging friend ko dati. Kaya sinabi ko ang situation ko. Maya maya pa ay tumawag siya sa akin at binibigay niya ang Control Number ng Western Union. Nagpadala pala siya ng P20,000 para makabili na ako ng ticket. Pagpunta ko naman sa SM Sucat sa Active Travel para kumuha ng ticket, impossible na daw kasi fully book na hanggang Sept. 22, 2005. Sabi ko sa isip ko: Lord, Ikaw may plano nito, let it be done. After 2 minutes ay nag-ring ang telephone ng Active Travel. May isang pasahero for August 21 flight to Japan ang nag-kansel ng flight niya. Yon din ang araw na kailangan kong bumiyahe. So nakabili na ako ng ticket. August 16 ay bumalik ako sa Zamboanga para manghiram ng pera worth P150,000. Alam ko in reality mahirap talagang makahiram ng ganon kalaking halaga kasi 5 days na lang ang natitira bago ako aalis. Pagdating ko sa Zamboanga City ay dumeretso ako sa Zamboanga City High School-Main saan ako nagtuturo at pumunta ako sa Teacher friend ko na si ma'am Dagalea para manghiram ng ganong halaga. Medyo may kaya kasi siya at nakapunta din siya ng Japan noon kaya maiintindihan niya ang situation ko. Pero naka-lock ang room niya. Tapos nakita ako ng ibang teachers. "Joseph, namatay si ma'am Dagalea kahapon, biglaan lang." Umiyak ako kasi siya ang nagpayo sa akin about working in Japan. Nagdasal ako para sa kaluluwa niya doon mismo sa harap ng pinto ng room niya (in silence). Sabi ko, be my angel.
Tapos dumating si Ate Margie. Ang dating nagpahiram ng P500 sa akin for my birthday at maraming beses na siyang nagpahiram ng pera sa akin. Siya ang laging tumutulong sa akin since 1995. This time sinabi ko sa kanya ang job offer ko sa Japan at ang problema ko sa pera. That very moment, sabi niya sayang ang opportunity kung di ako makakapunta sa Japan. August 20 na at wala pa rin akong pera. Sabi ng iba mag back-out na lang daw ako kasi impossible na yon. Pumunta ako sa Fort Pilar Shrine at nagdasal. Maya maya pa ay tumawag sa akin si Ate Margie at pumunta daw ako sa bahay nila sa Canelar Moret at kausapin ang tatay niya na si Uncle Dumpit. Pagdating ko sa bahay nila at 5:00 pm noong August 20, 2005, at ang flight ko to Japan ay August 21 at 2:30 pm, I need to leave Zamboanga City early morning at 7:00 am. Sabi ko ito na lang ang last chance ko. Kinausap ko ang tatay ni Ate Margie at nag-pahiram siya ng P150,000. that very moment. Dahil wala siyang cash sa house that big, kaagad niya ako dinala kay Mr. Lepeng Wee na Godson niya sa kasal at naghiram siya ng part ng amount para lang mabuo ang amount na yon. Alam ko isa siyang angel na ginamit ni Lord para sa akin. Bumalik ako sa school kay ate Margie at masaya din siya. Wala na akong time magpaalam sa mga kaibigan at family ko na aalis na ako. Dumaan muna kami ni ate Margie sa burol ni Maam Dagalea sa La Merced Funeral Home. Doon na rin ako nagpaalam sa lahat ng co-teachers ko at sa Principal ko na si Maam Eloisa Ruste. Lahat sila nandoon sa burol. Malungkot sila dahil namatay ang co-teacher namin, masaya naman kasi magtuturo na ako sa Japan at proud sila sa akin. Kinabukasan ay bumyahe na ako papuntang Manila.
Sa Domestic Airport ako bumaba at kailangan pumunta sa Ninoy Aquino International Airport para sa flight ko to Japan. Kumuha ako ng taxi. Habang nasa taxi ako, kinausap ako ng driver. Sabi niya saan daw ako galing, sabi ko sa Zamboanga City. Sabi niya mayroon daw siya mga kapatid sa Zamboanga City. Sabi ko sinu-sino? Una niyang binanggit ang paborito niya raw bunsong kapatid na si Joseph. Sabi ko, kapangalan ko pala kapatid mo, Joseph din ako. May kapatid din kaming nawawala at nagtirik na kami ng kandila kasi akala namin patay na siya. Nagtanong siya kung anong pangalan ng kapatid ko, sabi ko Luis. Sabi niya, ako si Luis...
ITUTULOY sa susunod na issue... Abangan!
-------------------------------
Noong nakaraang issue, naiku-wento ko po ang pag-meet ko sa aking nawa-walang kuya na di ko nakita for 18 years. Ganon nga ang nangyari sa airport, umiyak ako dahil ang ikli ng pagkikita namin ng kuya ko na after 18 years ay doon pa kami pinag-tagpo ng Tadhana. Kailangan ko nang pumasok sa NAIA para sa flight ko for Japan.
August 22, 2005 ay dumating uli ako sa Narita at ngayon, bilang isang Assistant Language Teacher (ALT) na. Dumeretso ako sa Mito City via Narita Bus limousine at dumating ako ng 7PM. Kasama ko rin dumating ay ang mga newly hired ALTs from America, Canada, Australia at iba pang bansa. Pinatuloy kami sa isang Hotel malapit sa company namin. Kinabukasan at around 7AM ay pumunta na ako sa office at nag-sign ng Unang 7 months contract (Sept 2005 - March 2006). Pag maganda ang performance namin, ay yearly na ito ire-renew. Ang teaching area ko ay 1 hour by car mula sa company namin. Bawat isang city/town kasi ay isang English teacher lang ang ipadadala ng company at doon manirahan mag-isa.
Maya-maya'y binigyan na ako ng susi ng car at kailangan daw ako ang magmaneho mag-isa at susunod ako sa aking supervisor na siyang maghatid sa akin sa lugar ko. Sobrang kaba ang nararamdaman ko kasi kahit i-start ang car ay di ko pa nasubukan.
Zero experience talaga ako sa pagmamaneho although may International Driver's License ako. Pagpasok ko sa kotse (maliit lang na Kia), ay di ko alam anong gagawin. Kinabit ko ang rosary na bigay ni lola noon at nilagay ko ito sa taas ng back mirror. Pinasok ko ang susi, tapos inikot ko at nag-start naman. Maya- maya pa ay inapakan ko na ang axel o yung sa gasolina at tumakbo na ang car. Sa kanan pa ng kalsada ang dinaanan ko, buti na lang walang ibang sasakyan dumadaan that time. Binusina ako ng supervisor ko at sumenyas na sa kaliwa ang paggamit ng kalsada. Mabilis ang takbo ng supervisor ko at ako ang sumusunod sa likod niya. Takot na takot ako kasi first time ko mag-drive. Sabi ko, Lord ikaw na bahala sa buhay ko kung mabangga ako ngayon. Maya-maya pa ay bumuhos ang lakas ng ulan at may typhoon pala sa Japan. Halos di ko na makita ang daan. Sa isip ko mamatay na ako. Dasal ng dasal ako habang nagmamaneho. Tapos nakita ko may parating na malaking truck.
Ganon nga yon, nagmaneho ako kahit first time ko yon. Ang qualifications kasi among others ay dapat marunong magmaneho. Dahil sa gusto kong magturo sa Japan, during the interview ay sinabi ko na marunong ako both car and bicycle. Kasi kung hindi marunong, di qualified for the position.
Nakita ko ang ilaw ng malaking truck paparating na. Dahil sa lakas ng ulan, nahihirapan ako na makita ang daan kasi hindi ko alam kung paano i-function ang wiper. Mabuti na lang at lumiko ang truck pakanan. Wala naman sa isip ng supervisor ko na siyang nagga-guide sa akin papunta ng teaching place ko. After 30 minutes of driving, parang nag-e-enjoy na kasi nakokontrol ko na ang car at nakuha ko na ang mga manipulations nito pati na ang pagggamit ng wiper. Malakas pa rin ang ulan at hangin sa mga oras na yon at di nagtagal ay dumating na rin kami sa aking apartment. Binaba namin ang mga futon, maliit na ref at ang bagahe ko at dumeretso na kami sa Board of Education para i-introduce ako. Then sa apat na schools under that Board of Education. May apat na elementary schools ang town na ito (kung saan hanggang ngayon ay dito pa rin ako nagtuturo since 2005). 5 kilometers ang layo ng bawat schools.
Sa unang gabi ko sa apartment ay na-homesick agad ako dahil ni wala man lang ako kilala sa place na ito. Ni walang ka-tao tao na lumalakad sa daan at ang daming uwak sa paligid.
Kinabukasan ay kailangan bumalik ako sa Mito City doon sa company namin para sa general orientation ng mga bagong teachers mula sa iba't ibang English-speaking countries. Pag-alis ko ng apartment ay pumunta ako sa parking area. Pag-start ko ng car, di ito umaandar. Halos mag 30 minutes na baka ako ma-le-late. Wala na akong ibang choice kung hindi kumatok sa ibang pintuaan sa mismong apartment building ko. Tinulungan ako at napa-andar ang car. Kung ang papunta ko sa apartment mula sa company ay 1 hour ang pagmamaneho, pabalik naman ay 3 hours na kasi nawala ako sa daan. Pero 30 minutes bago ang orientation meeting namin ay nakarating na rin ako. During the meeting, nagtanong ang Director ng company namin kung sino gustong mag-commute na lang through bicycle sa pagpunta sa school instead of using the car. Ngayon kasi ay masasabi na namin after seeing each teaching locations. Sinabi ko agad na ako. I prefer to use bicycle (sa totoo lang, di pa rin ako nakasakay ng bike.) Kaya kinuha ang car sa akin (may rental fee kasi yon, 18,000 yen/month sayang naman). After the meeting, hinatid na lang ako ng Director at dala dala na ang isang mountain bike.
After 1 hour ay dumating na kami sa apartment ko. Binaba niya ang mountain bike at sabi niya, sakyan ko raw at ipakita sa kanya ang aking pagmamaneho.
Halong kaba ko sa paghawag ng manibela ng bike. Tapos sabi ko, 'Lord, sana sumakay ka rin at guide mo ako, di kasi marunong mag-bike.' Hindi puwede magturo dito sa Town ko kung hindi marunong mag-bike kasi di naman siya walking distance mula sa apartment ko.
Pagsakay ko ng bike, pinedal ko na lang, tapos.... wow ganito pala ang pagba-bike. Di ako marunong magbalance pero sa oras na yan ay para bang may sumasakay na ibang tao at ako mismo ay nagtaka kung bakit nakaka-bike na ako.
Araw araw ko bina-bike ang pagpunta sa school na mayron 500 meters, 3 km., 15 km. at 18 km. mula sa apartment ko ang layo.
Paglipas ng isang linggo, Naghanap ako ng internet cafe sa town ko at wala palang internet cafe doon. Kailangan ko mag-bike ng 20 km para sa kabilang city. Hapon na ng umuwi ako at umaambon sa mga oras na yon. Habang ako nagba-bike, may pumara na malaking ELGRAND na kotse at nagtanong (sa salitang English) kung puwede ihatid niya ako kasi baka aabutan ako ng malakas na ulan. Paglingon ko, isang babae pala sa kanyang early 30's, mukhang mayaman at sosyal.
Itutuloy sa susunod na issue, abangan.
------------------------------------------------------------------------------
Noong nagkaarang issue ay naikuwento ko sa inyo ang pagtagpo ko sa isang babae sa daan habang ako'y pauwi na galing sa internet cafe.
Paglingon ko, isang babae pala sa kanyang early 30s. Mukhang mayaman at sosyal. Inakyat ko ang bike ko sa kotse niya at hinatid niya ako sa apartment.
Tapos nagtanong siya kung puwede makita ang loob ng apartment ko. Sabi niya bakit wala akong mga gamit? Sabi ko naman one week pa lang ako sa Japan. Isa siyang Thai at nagne-negosyo dito sa Japan. Nagpaalam na siya at kinuha niya ang number ko. Kinabukasan, pagdating ko galing sa school, nagtaka ako kasi ang daming kagamitan sa harap ng pintuan ko. May TV, cassette player, bed, blanket, kitchen utencils, mga pagkain, atbp. Akala ko iniwan yon ng ibang tenants sa kabilang door. Pumasok na ako sa apartment kasi pagod na pagod ako galing sa school at ilang beses din akong nadapa sa pagba-bike. Maya-maya pa'y may tumawag sa akin. Yon pala ay yong babaeng nakilala ko kahapon na hinatid ako sa apartment. Di nya raw ginagamit mga things na yon kaya ibibigay niya raw sa akin. Dahil sa bago pa ako sa Japan, laking tulong na rin yon. Nagpasalamat ako sa Panginoon na pinadala niya ang angel niya sa katauhan ng babaeng yon. After 2 hours, around 7:00 pm yon, tumawag uli ang babae na tawagan natin Irene, 35 years old at ako naman noon ay 32. Niyaya niya ako na magdinner sa labas. Sabi ko nakakahiya kasi wala akong pera. Ang pera ko kasi ay naka-budget lang for one month na pagkain ko at pambayad sa ilaw, etc. Galing pa Pinas yon pera ko kaya mahirap igastos dito. Sabi pa niya huwag daw ako magworry sa pera kasi siya daw ang gagastos. Welcome dinner niya daw sa akin. Sa isip ko palakaibigan talaga siya bilang business woman. Pumayag na nga ako at nagdinner kami. Nakakahiya pa kasi di pa ako marunong masyado gumamit ng chopstick that time. After our dinner, hinatid na niya ako sa apartment around 11:00 pm. Pag-alis niya, nagbigay siya ng 10,000 yen para daw pambaon ko kasi ganon din daw siya noong first time niya sa Japan. Mahirap daw kaya alam niya raw ang kalagayan ko. Tinanggap ko na lang at gabing gabi na. Sabi ko saan siya matutulog eh malayo pa ang bahay niya (3 hours drive mula sa akin). Sabi niya maghanap daw siya ng hotel. Isip ko sina-sayang niya pera niya. After two hours, tulog na tulog na ako. Nag-ring ang cellphone ko at siya pala ang tumawag around 3:00 am. Mayroon daw aswang sa bintana ng hotel at sumisilip sa kanya. Takot daw siya. Puwede ba daw doon siya sa akin matutulog, parang awa ko na raw. Dahil sa situation niya, sinabi ko yes, ok lang. After 20 minutes, kumatok siya sa pintuan. Binuksan ko ang pinto at nabigla ako nang yakapin niya ako. Natakot ako baka may nakakita sa amin at ano ang isipin. Teacher pa naman ako sa place na yon. Pumasok na kami sa loob at takot na takot daw siya. Sa isip ko baka totoong may aswang. Pero parang imposible din. Bumaba ako sa kama (na bigay niya) at doon ako natulog sa sala. Siya naman ay doon sa kama. After 20 minutes, tinawagan niya ako at may fever daw siya. Naghihingi siya ng gamot. Sakto na may dala akong Biogesic. Kumuha ako ng tubig at binigay ko sa kanya. Nilagay ko ang kamay ko sa noo niya pero wala naman fever. Sabi ko parang niloloko nya ako ha. Pag-alis ko na, hinawakan niya kamay ko at sabi niya doon na lang daw ako matutulog sa kanya kasi natatakot daw siya at baka papasok ang aswang. Ganon na nga ang nangyari at nagkaroon kami ng relasyon after that night. Sinabi niya na mahalin ko raw siya at siya daw bahala sa akin sa Japan. Hindi naman siya mahirap mahalin kahit 2 days pa lang kami nagkakilala. Kailangan ko rin ng kasama kasi mag-isa pa lang ako at bago pa lang sa Japan. Ganon nga po ang nangyari sa gabing yon. Doon natulog si Irene at nangyari ang di pa dapat sana'y mangyari. Kinabukasan, umuwi siya sa kanila at kinuha niya mga damit niya at dinala sa apartment ko kasi doon na daw siya tumira sa akin para maasikaso niya ako. Parang mag-asawa na kami. Hindi nga lang kasal. Alam ko medyo mali ang mga pangyayaring yon, ngunit sa kabilang banda, OK na rin yon para may kasama na rin ako at isa naman siyang mabait na babae. Nawala ang takot ko sa pagkaroon ng asawa na noon ay nasa isip ko dala na rin ng mga pangyayari sa buhay ko, ang tunay kong ina at ang madrasta ko.
Pumunta na ako sa school sa araw na yon at nagba-bike lang ako. Medyo wala ako sa condition mag-bike dahil nga puyat ako sa araw na yon pero tinuloy ko pa rin ang aking mission sa pagtututro. Twenty kilometers ang layo ng school ko sa araw na yon (4 kasi ang schools na tinuturuan ko) kaya pagdating ko sa school ay sobrang pagod ako. Dumeretso ako sa kubeta para magpahinga dahil nahihilo ako. Dala na rin yon ng init sa daan kasi summer time yon, September 2005. Maya-maya pa ay nakita ko ang mukha ko sa salamin ay nagiging dalawa, dahil sa hilo ko. Pagkatapos yon ay wala na ako matandaan at after 1 hour ay nagising ako dahil sa ingay ng school bell. Time for my second period class na pala. Mabuti na lang at wala akong first period class. Walang nakakaalam sa nangyari sa akin, paglabas ko sa CR ay todo smile pa rin ako sa mga bata at mga teachers.
Pagkahapon sa pag-uwi ko ay nagtaka ako dahil nandoon ang kotse ng girlfriend/live-in ko sa parking area. Sabi niya ilagay ko raw ang bike ko sa kotse nya at kami ay magpa-party. Sabi ko marami pa akong gagawing teaching materials. Sabi niya doon na daw sa likod ng kotse niya gawin ang mga teaching materials for the following day. Malaki naman ang space sa likod kasi camping car yon kotse niya: may sofa, table, ref at lababo pa sa likod na parang bahay. Nagba-biyahe kasi siya lagi kaya kailangan niya daw yong uri ng car. So ganon nga ang nangyari after school, nag-party kami kasama mga ibang Thai jin na mayayaman din dito sa Japan. Naiilang ako kasi di ako sanay sa mga kilos nila. Sanay ako sa simple lang. Mga bag nila puro Louie Vuitton at mga may hepa kasi puno ng gold ang katawan. Noong nasa party na kami ay pinakanta ako. Eh kumanta naman ako. Mas lalo daw siya na in-love sa akin. May request pa siya na kakanta ako ng Unchained Melody habang sumasayaw kami ng sweet dance. Nahihiya ako sa time na yon pero ginawa ko na lang yon para sa kanya. Kami lang ang sumasayaw habang kumakanta ako na akala mo si Demi Moore at si Patrick Swayze sa pelikulang Ghost. Ganon nga nagdaan ang mga araw. Very supportive siya sa mga pangangailangan ko. Palaging may surprise na damit. Yong mga damit ko galing Pinas ay tinapon niya at pinalitan niya ng mga mamahaling damit. Ni hindi nya man lang tinanong sa akin kung yon bang mga bili niyang damit ay type ko rin. Medyo nagalit ako sa pagtapon niya sa mga simple na damit ko galing sa Pinas kasi alaala yon ng pagsisiskap ko doon. Pero kinimkim ko ang galit ko at pilit kong sinakyan ang mga gusto niya. After 1 month ng pagsasama namin, ay nakipag-usap na rin siya sa tatay at mga ate ko. Halos every hour ay naglo-long distance ako sa Pinas kasi utos niya sa akin. Gamit ko ang cellphone niya at wala raw problema sa bill kasi may budget siya para doon. Noong tumawag ako after 1 month sa Pinas, may problema si tatay sa mata at kailangan ng 200,000 yen. Sabi ko di pa ako makaka-pagpadala ng ganon halaga kasi wala pa akong unang suweldo. Nagtanong siya sa akin kung ano ang problema sa Pinas kasi di niya maintindihan ang salita kong chavacano. Sinabi ko sa kanya about my father. Sa oras din yon ay pinindot niya ang push button sa side ng car niya at bumukas ang parang secret drawer. Kumuha siya ng pera at binigay sa akin. Di niya man lang binilang kung magkano. Pagbilang ko ay 300,000 yen pala yon. Sabi ko sobra na yon kasi 200,000 yen lang ang kailangan. Sabi niya, bawal daw tumanggi sa grasya. Kaya pinadala ko na rin sa mga kapatid ko.
Abangan ang sususnod na kabanata...
|